World’s best quality Dagupan bangus ang muling pinatunayan ng mga fishfarmers/bangus growers sa lungsod sa taunang Bangus Rodeo at bahagi ng pagdiriwang ng Bangus Festival 2025.
Tampok dito ang search for the Heaviest, Longest, and Prettiest bangus na pinalaki sa mga fishponds ng mga local aqua farmers para lamang sa kompetisyon.
Ipinamalas rin ng mga dagupeño fish vendors ang galing sa pagkilatis ng bangus mula ulo hanggang buntot sa tunggalian ng Fastest Bangus Classifier, Fastest Deboner, and Fastest Bangus Eater.
Kasama ni Mayor Belen T. Fernandez upang ipagmalaki ang lokal na produkto ng Dagupan sa buong mundo, si Milpitas City Vice Mayor Garry Barbadillo, ESQ na ipinaabot din ang pasasalamat sa mga Dagupeño sa mainit na pagtanggap. Kasabay na ipinagdiriwang ngayong taon ang 25 years of Dagupan-Milpitas Sister City Relations.
“Gusto kong magpasalamat sa inyong lahat sa inyong suporta sa Bangus Festival dahil ang layunin po natin ay patuloy na ma-promote ang best and the world’s tastiest milkfish – ang Dagupan bangus!”, mensahe ni Mayor Belen.
Kapartner ng siyudad ang FEEDMIX Specialist Inc. sa paghahatid ng Bangus Rodeo taon-taon kasama sina Bangus Festival Executive Chairperson and Rodeo Event Chair Coun. Marcelino Fernandez, City Agriculture Office, Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, Department of Trade and Industry at ang buong bangus industry players na siyang bida sa selebrasyon.
Dagupan City Bangus Festival:
BANGUS RODEO 2025 WINNERS
SEARCH FOR THE HEAVIEST BANGUS
1ST 3.60Kg – Marlyn Camacho (Pugaro, Dagupan City)
2ND 2.80Kg – Ernesto Camacho (Pugaro, Dagupan City)
3RD 2.05Kg – Joseph Doria (Binmaley, Pangasinan)
SEARCH FOR THE LONGEST BANGUS
1ST 68CM – Mark Narvante (Binmaley, Pangasinan)
2ND 65CM – Ernie Melendez (Lucao, Dagupan City)
3RD 62CM – Joana Grace Fernandez (Binmaley, Pangasinan)
SEARCH FOR THE PRETTIEST BANGUS
1ST Alvin Caguioa (Lucao, Dagupan City)
2ND Dangellee Caguioa (Lucao, Dagupan City)
3RD Prime Dominic Pedralvez (Lucao, Dagupan City)
SEARCH FOR THE FASTEST BANGUS CLASSIFIER
1ST Melecio Melendez (Barangay I, Dagupan City)
2ND Louie Tomagos (Lucao, Dagupan City)
3RD Allan Doria (Salapingao, Dagupan City)
SEARCH FOR THE FASTEST BANGUS DEBONER
1ST Jeffrey Bandera (Pantal, Dagupan City)
2ND Arnold Balolong (Pantal, Dagupan City)
3RD Huv Tendenilla (Pantal, Dagupan City)
SEARCH FOR THE FASTEST BANGUS EATER
1ST Ruben Fernandez (Pantal, Dagupan City)
2ND Benedict Abalos (Pantal, Dagupan City)
3RD Marivic Bandera (Pantal, Dagupan City)
https://www.facebook.com/share/v/18d7qhWtaJ/
The post PINAKAMALAKI! PINAKAMAHABA! PINAKA MAGANDANG BANGUS! DITO LANG YAN MAKIKITA SA DAGUPAN CITY! appeared first on The Official Website of the City Government of Dagupan.